Photo courtesy of European Commission President Ursula von der Leyen
Nagkasundo na ang Pilipinas at European Union sa Free Trade Agreement (FTA).
Nangyari ito kasunod ng telephone call sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at European Commission President Ursula von der Leyen, ngayong umaga.
Noong 2023 nang bumisita si President von der Leyen sa Pilipinas kung saan nagkasundo ang dalawa na muling ilunsad ang negosasyon.
Inaasahang magbubukas ang kasunduan ng mga bagong oportunidad para sa negosyo, mas maraming pamumuhunan at mas maraming trabaho.