Inanunsyo ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga sa Commanding General ng Philippine Army na si LtGen. Antonio Nafarrete bilang ika-61 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa DND, itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr si Nafarrete bilang kapalit ni Gen. Romeo Brawner Jr. na pormal nang magreretiro matapos makumpleto ang 3 years fixed term.
Kasunod nito, inanunsyo rin ng DND ang pagtatalaga kay Western Mindanao Commander, LtGen. Donald Gumiran na kapalit ni Nafarrete bilang Commanding General ng Army.
Nagpaabot ng pagbati ang Defense Department kina Nafarrete at Gumiran at kumpiyansa silang itataguyod ng mga ito ang propesyunalismo, kagalingan at dedikasyon para paglingkuran ang sambayanang Pilipino