Photo courtesy of DSWD
Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng distribusyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng UPLIFT Assistance para sa mga kababayan nating nangangailangan.
Sa panayam ng programang Bangon, Bayang Mahal, sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na papalo na sa 1.4 million household mula Group 1 o 4Ps at Walang Gutom program beneficiaries ang nakatanggap na ng one-time ₱2,000 UPLIFT Assistance.
Habang umuusad na rin at nasa disbursement stage na ang mga nasa Group 2 o mga poor at near-poor na pamilya na hindi kabilang sa 4Ps at Walang Gutom Program at ang Group 3 na mga manggagawa na mag-buwanang kita na ₱20,000 pababa na makatatanggap naman ng UPLIFT Assistance na ₱2,000 sa loob ng anim na buwan.
Paglilinaw pa ng DSWD na ang mga susunod na UPLIFT Assistance ay awtomatiko nang papasok sa e-wallet at Landbank account ng benepisyaryo.