Taas-presyo sa produktong petrolyo, epektibo na; DOE, umapela sa publiko na maging masinop sa pagkonsumo ng petrolyo
Epektibo na ngayong araw ang malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo base sa inilabas na anunsiyo ng Department of Energy (DOE).
Ibabase ang taas-presyo sa maximum range na itinakda ng DOE kung saan sa gasolina papalo ang dagdag-presyo na ₱3.65 kada litro.
Tumataginting naman na ₱10.68 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang ₱11.77 naman ang itinaas ng kada litro ng kerosene.
Umapela naman si Energy Sec. Sharon Garin sa publiko na maging masinop din sa pagkonsumo ng langis upang kahit paano ay makabawas sa consumption strain ng bansa.