Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na kabilang sa mga tututukan ng isang linggong ASEAN Foreign Ministers Meeting, Post-Ministerial Conferences and related meetings ang mga usapin patungkol sa mga pagsubok na kinahaharap sa buong mundo.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni ASEAN 2026 Spokesperson Dominic Xavier Imperial na kabilang sa mga bibigyang puntos sa mga usapin ang mga nagaganap na geo-political tensions at kung paano ito mareresolba.
Nais din ngayon ng ASEAN na mapalawak at madagdagan pa ang dialogue partners nito sa labas ng rehiyon upang mas mapalawak din ang iba’t ibang oportunidad ng kooperasyon para sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Pagdating naman sa mga bilateral meetings ay hinahayaan na ng ASEAN sa mga kasapi nitong bansa ang engagement sa mga mapipili at makakausap nilang dialogue partners.