Tuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ng pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng UPLIFT Assistance para sa mga vulnerable sector bunsod pa rin ng nararamdamang energy emergency.
Sa panayam ng programang BOSES kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sinabi nitong malaking bilang na ng benepisyaryo mula sa Group 1 o ang 4Ps at Walang Gutom beneficiaries ang nakatanggap na ng kanilang one time ₱2,000 cash assistance.
Sa ngayon, ang tinututukan ng DSWD ay ang Group 2 o ang mga nasa poor at near-poor category na hindi kabilang sa 4Ps at Walang Gutom program, dahil kailangan nilang tanggapin manually ang unang bahagi ng UPLIFT assistance habang ang mga susunod ay direkta na ang paglalagay sa kanilang mga mapipiling e-wallet platform o landbank account.
Sa ngayon pumalo na sa 2.8 million na household mula 4Ps at Walang Gutom beneficiaries ang nakatanggap na ng kanilang UPLIFT assistance.
Paano po sumali sa uplift wla po akong trabaho dahil my spine problem po ako taga sauyo Qc po ito