Photo courtesy of Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD)
Tuloy-tuloy pa rin ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa kampanya nito sa disaster preparedness sa mga mag-aaral sa lungsod.
Sa ika-anim na yugto ng “Batang QC, Laging Ready” Caravan, sinanay ang mga estudyante sa San Antonio Elementary School.
Layon ng programa na palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa tamang paghahanda at pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakuna, sa pamamagitan ng mga interactive na aktibidad at disaster preparedness sessions.
Ayon sa QCDRRMO, mahalagang maagang maitanim sa mga kabataan ang kahalagahan ng kahandaan upang maging mas ligtas at matatag ang mga paaralan at komunidad sa panahon ng ano mang sakuna.