Photo courtesy of Senate of the Philippines
Muling ipinaalala ni Senate President Sherwin Gatchalian sa senator-judges ang kahalagahan ng oras ng impeachment trial sa mga darating na panahon.
Kasunod ito ng ruling ni Presiding Officer Chiz Escudero na pagbabawal sa paglilitis ng mga manifestation ng ilang senator-judges na walang kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Gatchalian, mahaba pa ang panahon na kanilang igugugol para sa paglilitis kaya bawat oras ng impeachment trial ay importante.
Tiniyak naman ng Senate President, na sa pagbubukas ng kanilang sesyon sa susunod na linggo ay bibigyang panahon at pagkakataon ang mga senator-judge na talakayin ang kani-kanilang mga isyu.
Matatandaang nitong Lunes ay tumayo si Senator-judge Robin Padilla sa sesyon ng impeachment court para linawin na nagsumite na siya ng counter affidavit sa Office of the Ombudsman, taliwas sa mga impormasyon at balitang kumalat nitong weekend.
Kaugnay ito sa kasong obstruction of justice bunsod ng pagtulong ni Padilla sa sinasabing pagtakas ni Senator Bato dela Rosa.
Kasunod nito, nanawagan si Senator-judge Erwin Tulfo na huwag sanang gamitin ang oras ng Impeachment court para sa mga personal na isyu ng mga senator-judges.