Nakatakdang rebyuhin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador Erwin Tulfo ang mga sinasabi ni Senador Ping Lacson na ghost infrastructure projects sa Taguig City.
Ayon kay Tulfo, kung isusumite ni Lacson ang kanyang findings ay rerebyuhin niya ito dahil mahalaga itong usapin.
Una nang isiniwalat ni Lacson sa mga social media posts na posibleng may dalawang infrastructure projects at dalawang 100 million pesos na alokasyon para sa diumano’y parehong slope protection project sa Taguig City.
Ang Taguig ay kilalang balwarte ni Senate Minority Leader alan Peter Cayetano at kasalukuyang alkalde sa lungsod ang kanyang asawang si Mayor Lani Cayetano.
Itinanggi naman na ni Cayetano ang paratang ni Senador Ping at binigyang-diin na walang ghost projects sa Taguig.
Samantala, sinabi ni Senator Erwin na hindi lang ang ghost projects sa Taguig City ang kanilang tututukan kundi maging ang mga sinasabi rin ng 18 ex bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co.
Tinitingnan pa aniya nila ang pinakamaagang schedule na pwede nilang itakda para sa pagpapatuloy ng blue ribbon committee hearing tungkol sa flood control anomaly. | ulat ni Nimfa Asuncion