Suportado ni Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Francis Tolentino ang US-led Pax Silica Project na itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ang Pax Silica ay isang US-led international economic at technological coalition na inilunsad upang ma-secure ang supply chain para sa artificial intelligence o AI, semiconductors at mga critical minerals.
Ayon kay Tolentino, isa itong napakalaking oportunidad sa bansa upang mapalago ang economic standing nito.
Dagdag pa ng kalihim na kung matapos na at mapagana na ang Pax Silica project sa bansa ay tiyak kakambal nito ang pagbuhos din ng trabaho para sa mga Pilipino na direkta namang sasalamin sa magandang employment rate sa bansa.