House Speaker Faustino Bojie Dy III
Binigyang diin ni House Speaker Faustino Bojie Dy III na mahalagang ang pagtiyak ng sapat na proteksyon at suporta ang mga pangunahing lalawigang pinagmunulan ng food basket ng bansa bilang susi sa food security.
Ito ang kanyang inihayag sa isinagawang briefing ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa kahandaan ng pamahalaan sa tagtuyot.
Anya, kailangang tugunan ang mga pangangailangan ng mga food baskets tulad ng Isabela.
Ayon kay Dy, ang lalawigan ng Isabela, na isa sa mga nangungunang lalawigan sa pagproprodyus ng palay, ang nagpapakain at nagsu-supply ng humigit-kumulang 45 porsyento ng pangangailangan sa bigas ng National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dy, hindi sapat ang emergency assistance lamang.
Kinakailangan umano ang mga pangmatagalang pamumuhunan sa impraspraktura upang makayanan ng mga magsasaka at ng mga sistema ng patubig ang madalas na pagbabago ng klima. | ulat ni Melany Reyes