Matagumpay na idinaos ang ASEAN Trilateral Meeting sa Maynila kung saan nagkaisa ang Southeast Asian bloc kasama ang mga bansang Türkiye, Norway, Brazil, at Switzerland upang patatagin ang diplomasya, seguridad sa karagatan, at kooperasyong pang-ekonomiya sa gitna ng tumitinding geopolitical tension sa daigdig.
Sa naturang pulong, binigyang-diin ni Turkish Deputy Foreign Minister Ambassador Ayşe Berris Ekinci na ang mas masiglang ugnayan ng Türkiye at ASEAN ang susi upang maprotektahan ang ekonomiya at makalikha ng mas maraming oportunidad sa gitna ng mga pandaigdigang krisis.
Samantala, pormal namang pinagtibay ng ASEAN, sa pangunguna ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro at Norwegian Foreign Minister Espen Barth Eide, ang ‘ASEAN-Norway Practical Cooperation Areas 2026-2030’ para sa green energy at maritime security, kasabay ng panawagan ng Norway sa kapayapaan at paggalang sa rule of law sa mga karagatan.
Pormal din na iminungkahi ng Brazil sa ASEAN Trilateral Meeting ang pag-angat ng kanilang ugnayan bilang isang ganap na Dialogue Partner ng rehiyon.
Sa kabilang banda ay nagbabala naman ni Swiss State Secretary Marcus Leitner na ang anumang aberya sa rutang pangkalakalan sa Southeast Asia ay magdudulot ng mapaminsalang domino effect sa supply chain at cargo ng Europa.
Binigyang-diin sa mga naganap na pulong ang patuloy na kumpiyansa ng international community sa ASEAN ay isang malinaw na patunay ng lumalagong tiwala at kumpiyansa ng mga ito sa rehiyon.


