BuCor
Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang political prisoners sa New Bilibid Prison o sa anomang correctional facilities.
Sagot ito ng BuCor sa naging petisyon ng grupong KAPATID sa Department of Justice (DOJ) at humihiling na huwag ilipat ang political prisoners mula sa NBP papunta sa iba pang mga prison at penal farms ng BuCor.
Ayon kay Director General Gregorio Catapang Jr., hindi political prisoners kundi Persons Deprived of Liberty na nakagawa ng krimen ang nasa kanilang mga pasilidad.
Ipinaliwanag naman ni Catapang na ang pagpapalipat ng mga PDL sa iba pang prison farms ay parte ng decongestion program pati na rin ng Bilis Laya Program at Redistribution Program na layong maiwasan na ang pagsisisiksikan sa mga kulungan.