Halos 100 porsyento o nasa final phase na ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, ilang adjustments na lamang ang gagawin sakaling magkaroon ng pagbabago sa sitwasyon.
Aniya, nakapagsanay na rin ang mga pulis at nakapagsagawa na ng walkthrough, kaya kaunting pagpa-plantsa na lamang ang gagawin.
Gaya ng mga nagdaang SONA, magtatayo ang PNP ng command center malapit sa Batasang Pambansa Complex, bukod pa sa monitoring na isasagawa mula sa National Headquarters sa Camp Crame.
Tiniyak naman ni Co na igagalang ng PNP ang karapatan ng publiko na maipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng mapayapang pagtitipon.
Samantala, isasailalim sa full alert ang buong puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mamayang alas-5 ng hapon bilang bahagi ng paghahanda sa SONA.