Karagdagang 2,671 magsasaka ng palay sa Isabela ang nakatanggap ng Emergency Cash Transfer (ECT) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pinangunahan ng DSWD Field Office 2 ang isinagawang pamamahagi ng tulong pinansyal nitong huwebes, October 15 kung saan kabilang sa mga benepisyaryo ang 1,140 magsasaka sa City of Ilagan, 818 sa Delfin Albano, at 713 sa Cauayan City.
Ayon sa DSWD, ang listahan ng mga benepisyaryo ay nakabatay sa assessment at beripikasyong isinagawa ng kani-kanilang City o Municipal Agriculture Office.
Layon ng ECT na matulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño na makabangon mula sa pagkalugi at matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan habang unti-unting pinananumbalik ang kanilang kabuhayan.
Una nang iniulat ng DSWD na sumampa na sa higit ₱732-milyon ang naipaabot nitong tulong pinansyal sa mga apektadong komunidad ng El Niño.
📸 DSWD

