Mahigit 4.1 milyong pensioners ang makatatanggap ng 13th month at December 2026 pensions mula sa Social Security System simula Disyembre 1.
Aabot sa P45.26 bilyon ang kabuuang pondong ilalabas ng SSS para sa pagbabayad ng benepisyo sa mga pensioner.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Victor Alfonso Limlingan, isasagawa ang crediting ng mga pensyon sa dalawang batch sa unang linggo ng Disyembre.
Sa unang batch sa Disyembre 1, nasa 2.39 milyong pensioners ang makatatanggap ng kanilang 13th month at December pensions.
Susundan ito ng ikalawang batch sa Disyembre 4 na sasaklaw naman sa 1.70 milyong pensioners.
Samantala, maglalabas din ang SSS ng karagdagang P28.81 milyon para sa mahigit 3,798 pensioners na tatanggap ng kanilang benepisyo sa pamamagitan ng mga bangkong hindi kabilang sa PESONet at mga tseke.