Ligtas na nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 60 pamilya o 240 indibidwal mula sa binahang Purok Riverside sa Barangay Kablacan, Maasim, Sarangani, kahapon.
Nagsagawa ng evacuation assistance ang Coast Guard Disaster Response Group matapos mamonitor sa Facebook Live ang kalagayan ng mga residente.
Nagtalaga rin ng mga tauhan sa Kumaba Bridge sa Barangay Kanalo matapos itong pansamantalang hindi madaanan dahil sa malakas na ulan at pagtaas ng tubig.
Walang naitalang nasawi o nasugatan, habang patuloy ang monitoring at evacuation operations ng PCG sa mga apektadong lugar.
📸 PCG

