Nakataas na ang alerto ng Philippine Coast Guard (PCG) habang papalapit sa Northeastern Luzon ang Tropical Depression Kiyapo.
Nagsagawa ang Coast Guard District Northeastern Luzon (CGDNELZN) ng inspeksiyon sa mga tauhan at kagamitang maaaring agad i-deploy sa oras ng maritime emergency o disaster response.
Nakipag-ugnayan din ang CGDNELZN sa mga Coast Guard Station, Coast Guard Sub-Station, at Local Disaster Risk Reduction and Management Office para sa patuloy na pagbabantay sa lagay ng panahon at kondisyon ng karagatan.
Tiniyak ng PCG na nakahanda itong magbigay ng agarang tulong sa mga komunidad na posibleng maapektuhan ng bagyo.