Inanunsyo ng Banko Sentral ng Pilipinas na pansamantalang out of stock ang kanilang T’nalak Festival Commemorative Coin.
Ang nasabing barya ay nagtatampok ng disenyo ng hinabing telang T’nalak ng mga T’boli sa South Cotabato.
Ito ang ikapitong inilabas sa Pista sa Pilipinas Commemorative Coin Series na binubuo ng 12 pilak na barya na nagtatampok sa iba’t ibang pista sa bansa.
May legal tender value itong ₱100 ngunit ibinebenta sa halagang ₱5,000 bawat isa.
Pinayuhan ng BSP ang publiko na bantayan ang kanilang online store para sa anunsiyo sa muling pagkakaroon ng suplay.
📸 BSP

