Umabot na sa 67 ang mga health facility sa bansa na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Sa pulong balitaan sa Office of Civil Defense (OCD), sinabi ni Health Undersecretary Dr. Gloria Balboa na karamihan sa mga ito ay barangay health centers at ospital.
Nilinaw naman niya na nananatiling operational ang mga nasabing pasilidad.
Ayon kay Balboa, aabot sa mahigit P54 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot sa mga health facility na ito. Handa namang paglaanan ng Quick Response Fund ng Department of Health ang mga naturang pasilidad.
Tiniyak din ni Balboa na sapat ang suplay ng gamot, partikular na ang doxycycline, para sa mga mamamayang nalubog sa baha sa kanilang lugar. | ulat ni Diane Lear