Photo courtesy of Province of Pangasinan
Idineklara nitong Lunes, August 31, 2026, ng Sangguniang Panlalawigan ang buong Lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng state of calamity dahil sa matinding pinsala ng pinagsamang epekto ng Habagat at mga bagyong Luis, Maymay, at Neneng.
Ayon sa Provincial Resolution No. 985-2026 na pinagtibay sa ilalim ng pamumuno ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino at rekomendasyon ni Gov. Ramon Guico III, mahigit 370,000 pamilya o 1.2 milyong indibidwal ang apektado sa 15 munisipalidad at dalawang lungsod kung saan mahigit 2,747 pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation centers.
Umabot na sa ₱232.5 milyon ang paunang pinsala sa imprastruktura, ₱649.2 milyon sa agrikultura, at ₱2.1 milyon sa sektor ng livestock hanggang noong August 30.
Kaugnay nito, awtomatikong ipinapatupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa ilalim ng Republic Act No. 7581 o ang “Price Act,” upang mapigilan ang labis na pagpapataw ng presyo, hoarding, at profiteering habang nagpapatuloy ang mga operasyon ng paglikas at rehabilitasyon.