Nagbabala ang Department of Health (DOH) na maaaring makaapekto ang climate change sa suplay, presyo, at kalidad ng pagkain sa bansa.
Ayon sa DOH, nasisira ng matinding init, bagyo, baha, at tagtuyot ang mga pananim at palaisdaan, na maaaring magdulot ng kakulangan sa masustansiyang pagkain.
Hinikayat ng ahensiya ang publiko na magtanim ng gulay, bumili ng lokal na produkto, suportahan ang mga magsasaka at mangingisda, at iwasan ang pag-aaksaya ng pagkain.
Ipinayo rin ng DOH ang paggamit ng reusable bag at pagdaragdag ng gulay at prutas sa pagkain upang mapangalagaan ang kalusugan at kalikasan.