Layunin ng proyekto na mabawasan ang matinding pagbaha sa Cavite sa pamamagitan ng dalawang off-site retarding basin na pansamantalang sasalo at mag-iimbak ng floodwater bago ito unti-unting pakawalan patungo sa Imus River.
Inaasahang makatutulong ang proyekto upang maprotektahan ang mga komunidad sa downstream areas at mabawasan ang pinsala ng pagbaha sa imprastraktura, agrikultura, mga ari-arian at buhay ng mga residente. | ulat ni Lorenz Tanjoco