Itutuloy ng Senado ang deliberasyon sa panukalang 2027 national budget ngayong linggo habang inihahanda sa impeachment trial ang mga dokumentong kailangan sa pormal na paghahain ng ebidensya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, itinakda na nila sa Miyerkules, October 14, ang budget hearings para mapakinabangan ang oras habang inihahanda ng prosecution ang kanilang formal offer of evidence.
Sa naunang schedule, whole day sana ang impeachment trial hanggang sa Huwebes, October 15, pero sinabi ni gatchalian na pagkatapos ng presentasyon ng financial expert witness na si Atty. Alexander Cabrera ay magpapahinga muna ang impeachment trial.
Una nang sinabi ng prosecution na huling testigo na nila si Cabrera para sa Article II ng Articles of Impeachment habang balak naman nang ilaglag ng prosecution ang pagtalakay sa Article III ng Impeachment case.
Giit ng senate president, kailangan nilang tiyakin na matatapos nila ang pagtalakay ng 2027 proposed natiinal budget para masigurong hindi magkakaroon ng reenacted budget pagpasok ng bagong taon. | ulat ni Nimfa Asuncion