Photo courtesy | Kościan, Poland Police Department official Facebook Page
Nagpakalat ng mahigit 20,000 pulis ang pamahalaan ng Poland upang palakasin ang seguridad sa mga paaralan.
Ayon sa Polish Police nitong Lunes, aabot sa 80,000 educational institutions na ang kanilang nainspeksyon sa mga nakalipas na araw kung saan nasa 135 indibidwal na ang kanilang nadetine.
Isa sa mga insidente ay ang batang gumawa ng model ng kaniyang paaralan gamit ang isang laro at doon gumawa ng isang simulation ng karahasan.
Nakarekober din ng baril, mga bala, at kutsilyo sa nasabing bata.
Isinagawa ang malawakang operasyon ng pulisya matapos ang sunod-sunod na karahasan sa mga paaralan sa Poland noong nakaraang linggo.
Kasabay nito, nangako si Polish Prime Minister Donald Tusk na tutugunan ang aniya’y nauusong karahasan na kinasasangkutan ng mga menor de edad.