Dumating na sa Clark, Pampanga, sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta – Marcos para sa inagurasyon ng DOH – JBL Children’s Medical Center.
Naisakatuparan ang proyektong ito sa pagtutulungan ng Bloomberry Cultural Foundation Inc. at PAGCOR.
Ang konstruksyon ng ospital na ito, alinsunod sa nais ng administrasyon na paramihin at maibaba sa mga probinsya ang iba’t ibang specialty hospital.
Sa ganitong paaran, mas mailalapit ang access ng publiko sa de kalidad na health services, kabalikat ng Zero Balance Billing o Bayad na Bill Mo program ng administrasyon.
Magiging ganap itong operational sa buwan ng Agosto, mayroon itong 120-bed capacity, isang state of the art facility, at mayroong mga bagong equipment, para sa patient care.
Ayon kay Health Secretary Dr. Jose Pujalte Jr., higit pa ang proyektong ito sa isang modern medical healthcare facility, lalo’t mas maraming bata ang makakatanggap ng napapanahon at angkop na atensyong medikal. Sumasalamin rin aniya ito sa magagawa ng public at private sector sa kanilang pagtutulungan.