Epektibo ang ginawang pagsasaayos sa Drainage System sa paligid ng Manila City Hall.
Nasubukan ito kagabi hanggang kaninang madaling araw kung saan nakaranas ng malakas na pag-ulan.
Ayon kay Arnel Angeles Director ng Manila DRRM Department hindi binaha ang paligid ng City hall matapos ang pagpapalaki ng drainage system.
Sa ngayon kasi lagpas tao na ang sukat ng drainage doon at mas malapad na ang sukat nito kayat mas maayos na ang daloy ng tubig.
Kung matatandaan dati lubog sa baha ang paligid ng manila city hall tuwing malalakas ang ulan
At pumapasok pa ang baha sa unang palapag ng city hall kung saan nandoon ang maraming opisina kabilang na ang finance office. | ulat ni DK Zarate