Patuloy na gumugulong ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pondong ipinasok sa Philippine Southeat Asian Game Organizing Committee o PHISGOC noong 2019 Sea Games.
Sa isang panayam kay NBI Director Melvin Matibag bumuo sila ng Task Force Cash Cow para mag-imbestiga hinggil dito.
Ang kabilang sa task force ay ang Public Corruption Division, Special Action Unit, Office of the Director, at iba pang operatiba.
Base naman sa inisyal na impormasyon, lumabas na may ₱6.7 billion na ipinasok ang Departmnt of Budget and Management (DBM) mula sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee sa PHISGOC.
Makikipagkoordina ang NBI sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Commission on Audit (COA) at Security Exchange Commission (SEC) para sa imbestigasyon.
Sa ngayon may pito nang ipina-subpoena ang NBI na mga opisyal ng PHISGOC at inaasahang haharap sila sa NBI sa Lunes.