Kinalampag ng mga senador ang Energy Regulatory Commission(ERC) dahil sa anila’y kabiguan nitong mapigilan ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente sa bansa.
Sa naging pagdinig ng senate committee on energy, binatikos ni Committee Chairman Erwin Tulfo ang ERC dahil sa hindi epektibong pagtupad sa mandatong protektahan ang mga konsumer mula sa mataas na presyo ng kuryente.
Ito ay matapos mapaulat na ang pilipinas na ngayon ang may pinakmataas na singil sa kuryente sa southeast asia, na may average na P12.34 kada kilowatt-hour na bahagyang mas mataas pa kaysa sa Singapore.
Ayon kay Tulfo, tila hinahayaan na lamang ang mga konsumer na pasanin ang iba’t -bang dagdag-singil, kabilang ang systems loss at iba pang pass-on charges na pinapatawng mga power generator at distributor.
Pinaliwanag naman ni ERC Chairperson Francis Saturnino Juan na limitado ang mandado ng komisya sa ilalim ng eEectric Power Industry Reporm Act (EPIRA).
Aniya, saklaw lang ng ERC ay ang transmission at distribution sector at hindi ang power generation at supply.
Dagdag pa ni Juan, ang transmission at distribution ay bumubuo lang sa 20 hanggang 22 percent ng kabuuang singil sa kuryente.
Samantala, nanawagan naman si Senate President Sherwin Gatchalian sa ERC a magsagawa ng audit sa pagtaas ng singil sa kuryente para matiyak na makatarungan ang singil at maprotektahan ang mga konsumer. | ulat ni Nimfa Asuncion