Pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan 3rd Division si Senador Rodante Marcoleta kung bakit hindi siya dapat isailalim sa Preventive Suspension kaugnay ng kinahaharap niyang kasong Plunder.
Sa inilabas na kautusan ng korte, binigyan nito ng 10 araw si Marcoleta na magsumite ng paliwanag sa pamamagitan ng kanyang abogado.
Tinukoy ng korte ang Section 5 ng Republic Act No. 7080 o Anti-Plunder Act, na nagsasaad na dapat isailalim sa Preventive Suspension ang sinumang opisyal ng gobyerno na nahaharap sa kasong Plunder.
Matatandaan nitong Miyerkules lang nang maghain ng “not guilty” plea si Marcoleta sa kasong Plunder at sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng regalo mula sa mga pribadong indibidwal.