Iginiit ni Trial Spokesperson at Impeachment Adviser Robert Ace Barbers na hindi maaaring basta na lamang ibasura ng depensa ang affidavit nang hindi isinasaalang-alang ang dahilan ng pagbabago ng salaysay ni Lascañas.
Ayon kay Barbers, ang pag-amin ni Lascañas na siya ay nagsinungaling noong una ay maituturing na isang “admission against interest.”
Binigyang-diin nina Barbers at Legal Spokesperson Jay Tolosa na hindi na kwestiyunable ang pagiging tunay ng pagbabanta ng Bise Presidente.
Anila, sa halip, ang pangunahing tanong na lamang na sasagutin ng Senate Impeachment Court ay kung ang mga ginawang pagbabanta ni VP Sara ay nagpapatunay ng betrayal of public trust at paglabag sa Saligang Batas.