House Speaker Faustino Bojie Dy III
Nananatiling kompiyansa si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na maihahabol ng Kamara de Representantes ang pagpasa sa iba pang priority bills ng administrasyon bago matapos ang taon, lalo’t karamihan sa mga ito ay nasa mga huling yugto na ng talakayan.
Sa isang inilabas na video statement, isiniwalat ni Dy na gumagalaw na sa proseso ng lehislatura ang ilang pangunahing panukalang batas.
Kabilang dito ang panukalang Cybersecurity Act na nakatakda na para sa second reading, habang walo pang ibang panukala ang kasalukuyang binubusisi ng Committee on Appropriations at Committee on Ways and Means.
Dahil dito, pormal na umapela ang Speaker sa Senado na makipagtulungan upang mabilis na maipasa ang mga nakabinbing panukala.
Upang mabilis na maaprubahan ang mga ito, mahalaga aniya ang koordinasyon sa Ehekutibo, lalo na sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), upang agad na makakuha ng feedback at mga executive version ng mga panukalang batas mula sa mga ahensya ng pamahalaan.