Nilinaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapatupad ng One-Time Abatement Program para sa mga micro taxpayers.
Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 84-2026, ipinaliwanag ng ahensya ang mga rekisito, proseso ng aplikasyon, mga bayarin, at mga saklaw na buwis at penalty sa ilalim ng programa.
Ayon sa BIR, maaaring beripikahin ng taxpayers ang kanilang classification bilang micro taxpayer sa pamamagitan ng Online Registration and Update System (ORUS) o sa kanilang Revenue District Office (RDO).
Sakop lamang ng programa ang mga kwalipikadong kaso na umiiral hanggang December 31, 2025 at pasok sa itinakdang panuntunan.
Nagbigay rin ang ahensya ng paglilinaw sa mga pending application, open case penalties, partial payments, at iba pang usapin sa pagpapatupad ng programa.
Hinimok ng BIR ang mga micro taxpayer na basahin ang circular upang malaman ang kumpletong proseso at mga kinakailangang requirements.