Pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapalawak at pagtaas ng fuel discount para sa mga PUV kasunod ng sunod-sunod na oil price hike dulot ng sitwasyon sa Middle East.
Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, nakikipagpulong ang ahensya sa mga stakeholder upang matukoy ang pinakamainam na ayuda sa transport sector.
Kasabay nito, nire-review rin ng LTFRB ang mga nakabinbing petisyon sa taas-pasahe, ayon sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez.
Isa sa mga panukala ang pagpapanatili at pagpapalawak ng ₱10 kada litrong fuel discount bilang alternatibo sa fare hike.
Sa kasalukuyan, sakop ng fuel discount ang mga passenger jeepney at UV Express. Mahigit 87,000 PUV na ang nakinabang sa programa.
Ayon kay Mendoza, patuloy pang pinag-aaralan ang panukala dahil mangangailangan ito ng malaking pondo at malawak na konsultasyon sa mga stakeholder