Aabot sa 10,000 pulis ang ipapakalat ngayong araw para sa seguridad ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin, sisimulan ngayong Sabado ang pagde-deploy sa 50% ng mahigit 21,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga itinalagang lugar.
Bukas, araw ng Linggo, inaasahang ide-deploy na ang kabuuang 100% ng mga tauhan ng PNP, kasama ang mga force multiplier, para sa seguridad sa SONA.
Tiniyak ni Aberin na mayroon pang karagdagang puwersa na magmumula sa mga karatig na lalawigan upang makatulong sa pagbabantay sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko.