Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga raliyista na mahigpit nilang ipagbabawal ang pagsusunog ng mga effigy o anumang protest paraphernalia sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes (Hulyo 27).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Allen Rae Co, gagawin nila ang lahat ng mapayapang pamamaraan upang mapigilan ang pagsusunog ng mga effigy at protest images.
Bukod sa pinsalang idudulot nito sa kapaligiran at kalikasan, posible rin itong magdulot ng panganib sa mga makikilahok sa mga rally at protesta.
Kung hindi na talaga mapigilan ang mga nagkikilos-protesta sa ganitong gawain, dito na gagana ang kamay ng batas. Dagdag pa ng PNP na patuloy nilang paiiralin ang maximum tolerance para sa lahat ng ikakasang rally at kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.