Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Nanawagan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga kabataan na maging aktibo sa pagtataguyod at pangangalaga sa West Philippine Sea (WPS), partikular na ang mga likas na yaman nito tulad ng mga isda, langis, at gas na mahalaga sa kinabukasan ng bansa.
Nagbigay ng babala ang kalihim hinggil sa kahalagahan ng pagpili ng mga tamang kaalyado.
Ayon kay Teodoro, maaaring hindi mapunta sa tama ang direksyon ng bansa kung makikipag-partner ang susunod na henerasyon sa mga bansang hindi “like-minded” o walang magkatulad na paninindigan sa mga prinsipyong ipinaglalaban ng Pilipinas.
Binigyang-diin niya, na ang kamalayan at pakikilahok ng kabataan ay malaking sandata upang matiyak na ang mga yamang-dagat at enerhiya sa rehiyon ay mananatili at mapapakinabangan ng mga Pilipino.
Aniya, kung ang mga kabataan mismo ang maninindigan para sa kapakanan at karapatan ng bansa ay tiyak mas malaki ang tiyansa ng bansang maging mas matagumpay sa mga kampanya nito sa West Philippine Sea (WPS) at sa paggiit ng karapatan ng bansa sa mga teritoryo nito.