Handa na ang House of Representatives para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Bulacan 5th District Representative Agatha Cruz na inaasahan ng Kamara ang ilalatag na mga prayoridad ng Pangulo upang maisulong ang mga kinakailangang batas.
Aniya, mahigit kalahati na ng mga panukalang kabilang sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) agenda ang naipasa ng Kongreso.
Kasabay nito, tiniyak ni Cruz na ipagpapatuloy ng Kamara ang pagtalakay sa mga priority bills at mga panukalang may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, at pagpapalakas ng 4Ps.
Dagdag pa niya, paiigtingin din ng Kamara ang transparency, accountability, at oversight sa paggamit ng pondo ng pamahalaan bilang bahagi ng kampanya laban sa korapsyon.