Suportado ng isang mambabatas ang pagsasagawa ng active shooter simulation drills sa mga paaralan upang maging handa ang mga estudyante at guro sakaling magkaroon ng insidente ng pamamaril.
Ayon kay Abra Lone District Representative JB Bernos, napatunayan na ang pagiging epektibo ng mga drill tulad ng earthquake drills, kaya mahalagang maturuan din ang mga paaralan kung paano kikilos sa panahon ng gun attack.
Nauna nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng naturang drills na nakatuon sa mga hakbang para makaligtas sa insidente ng pamamaril.
Makikibahagi rin ang Philippine National Police (PNP) sa mga pagsasanay at palalakasin ang police visibility sa paligid ng mga paaralan, kabilang ang regular na beat patrol at presensya tuwing flag-raising ceremonies.
Ang hakbang ay kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban noong June 22, kung saan tatlong estudyante ang nasawi at dalawampu ang nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang Grade 9 na mag-aaral. Nagpasalamat naman si Bernos sa agarang aksyon ng PNP at umasa siyang makatutulong ang mas mahigpit na seguridad upang manatiling ligtas ang mga paaralan bilang lugar ng pagkatuto