Ligtas at mas maluwag na para sa mga pedestrian at maging sa mga siklista ang sidewalks sa bahagi ng EDSA-Buendia, Makati.
Kasunod ito ng mabilis na aksiyon ng pamahalaan sa ilalim ng umaarangkadang EDSA Rehabilitation Program.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, tiniyak nilang agad na matatapos ang nasabing proyekto upang bigyan ng ginhawa ang publiko at makaiwas na rin sa karagdagan pang aksidente.
Dagdag pa ni Dizon na mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing prayoridad ang pagsasaayos ng buong kahabaan ng EDSA, kabilang na ang pagpapalawak ng mga sidewalk para sa kaligtasan ng mga commuter, pedestrian, at siklista na matagal nang nagtitiis sa makipot at delikadong lakaran sa gilid ng EDSA.
Kaya naman makaaasa ang publiko na hindi lamang ang sidewalk sa EDSA-Buendia ang paluluwagin ng pamahalaan kundi pati ang iba pang major walkways at sidewalks sa kahabaan ng EDSA.