Tinitignan ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad ng pagdaragdag ng deployment ng mga pulis kung matutuloy ang naka-planong pagtitipon ng Iglesia ni Cristo na sasabay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes (Hulyo 27).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Allen Rae Co, pinaghahandaan na talaga nila ang pagdaragdag ng mga tauhan lalo’t nais din naman ng Pambansang Pulisya na magiging maayos at ligtas ang pagtitipon ng INC.
Mas mahalaga kasing matiyak ani Co ang kaligtasan ng buong komunidad. Sa ngayon hinihintay pa ng pulisya ang pinal na pag-uusap ng mga organizer at lokal na pamahalaan kaugnay ng naturang aktibidad.