Hindi tumitigil ang pamahalaan ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa Estados Unidos kaugnay ng bagong taripa na ipinataw nito sa bansa.
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na doble-kayod na ngayon ang economic team ng Pilipinas sa negosasyon sa Estados Unidos kaugnay ng 12.5% na taripa na ipinataw sa Philippine exports.
Kaugnay ito ng isinagawang imbestigasyon ng U.S. sa umano’y forced labor practices sa loob ng bansa, bagay na binibigyang-linaw ngayon ng pamahalaan.
Patuloy naman ang pamahalaan sa pagdulog sa Estados Unidos para sa exemption sa taripa ng ilang export products mula sa Pilipinas na hindi natural na napo-produce sa Amerika, bagay na magdadala ng mas positibong ugnayan sa dalawang bansa pagdating sa kalakalan.