Karagdagang 1,500 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO 3) ang itatalaga upang tumulong sa seguridad para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magmumula ang mga ito sa Regional Mobile Force Battalion 3 at mga police unit sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, at Angeles City.
Ide-deploy sila sa mga security area, staging points, at rally sites sa Maynila at Quezon City.
Ayon kay PRO 3 Director Police Brigadier General Jess Mendez, may 600 pulis pang nakahandang magsilbing standby support force kung kakailanganin.
Samantala, magpapatuloy ang pinaigting na anti-criminality operations at mga checkpoint sa buong Central Luzon upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan habang isinasagawa ang SONA.