Umabot sa higit P8.2 billion ang pinagsamang halaga ng mga makinarya at kagamitang pansaka na naipamahagi ng Department of Agriculture–Western Visayas sa loob ng apat na taong panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nagbigay ito ng ginhawa at pag-asa sa higit 1,000 asosasyon ng mga magsasaka sa buong rehiyon.
Kabilang sa mga naipamahagi ang four-wheel drive tractors, rice transplanters, combine harvesters, at rice mills upang mapalakas ang produksyon at post-harvest operations.
Nagbigay rin ng karagdagang mga makinarya ang BFAR, NDA, PCA, at NFA para sa mga magsasaka sa rehiyon.
Lubos namang pinasasalamatan ng mga benepisyaryong magsasaka ang mga natanggap na tulong, kabilang si Thelma Estocada, President ng PD Monfort North Irrigators Association sa Dumangas, Iloilo.
Ayon kay Nanay Thelma, malaking tulong ang natanggap nilang rice combine harvester at four-wheel tractor sa paghahanda ng lupa at sa kanilang post-harvest operations.