Aabot sa mahigit 600 pulis ang ipinakalat ng Eastern Police District (EPD) at Quezon City Police District (QCPD) sa EDSA Shrine at People Power Monument.
Ito’y para tiyakin ang seguridad at kaayusan sa nabanggit na mga lugar kaugnay ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ngayong araw.
Partikular na nagbabantay sa mga naturang lugar ang Civil Disturbance Management Unit ng sa ilalim ng Ortigas flyover gayundin sa mismong People Power Monument.
Kanina, nagsagawa ng formation at accounting ang mga pulis at matapos nito ay pinayagan muna silang magpahinga pansamantala.
Bukod sa mga tauhan ng EPD at QCPD, may mga tuhan din mula sa PNP National Headquarters sa Kampo Crame para umalalay sa pagtitiyak ng seguridad.
May mga nakalatag ding tolda sa bahagi ng White Plains avenue na nagsisilbing Command Post ng PNP bukod pa sa mga nakaantabay na ambulansya.
Wala namang impormasyon sa ngayon kung may ikakasang kilos protesta o aktibidad gayunman, nananatiling normal ang daloy ng trapiko sa nabanggit na mga lugar.

