Nakahanda na rin ang mga responder ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) para sa State of the Nation Address (SONA) 2026 ngayong araw.
Nitong weekend, inilatag na ang Incident Command Post (ICP) ng QCDRRMD na magsisilbing sentro ng koordinasyon at pagtugon ng mga responder sa panahon ng aktibidad.
Nakapwesto na rin ang mga kinakailangang kagamitan, communication systems, at iba pang pasilidad para matiyak ang mabilis at maayos na koordinasyon ng Incident Management Team (IMT) kung sakaling magkaroon ng anumang insidente.
Una na ring nag-install ng steel tents ang QCDRRMD sa loob ng Batasang Pambansa Complex bilang bahagi ng response infrastructure na susuporta sa ligtas, at maayos, pagdaraos ng ikalimang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
