Malaking tulong ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno na nakakarating sa mga OFWs sa Kuwait.
Ito ang naging pahayag ni Philippine Ambassador to Kuwait, H.E. Jose A. Cabrera III sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service hingil sa mga serbisyo ng pamahalaan sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang mga serbisyo mula sa DMW, Pag-ibig, SSS, at ibang ahensya ng gobyerno ay nagbigay kagaanan sa mga OFWs na nangangailangan ng kagyat na tugon mula sa mga nasabing ahensya.