Aabot sa kabuuang ₱113 million ang iginawad na financial assistance sa 565 na mga barangay sa tatlong probinsiya ng rehiyon onse, ang Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Occidental.
Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang nanguna sa ceremonial distribution sa Capitol Grounds Provincial Capitol Compound, Barangay Cabidianan, Nabuntuean ng probinsiya ng Davao de Oro.
Maliban sa cash assistance, iba’t ibang programa at proyekto rin ng Department of Agriculture ang iginawad sa mga benepisyaryong magsasaka at fisherfolks tulad ng bangkang pangisda, mga kagamitang pagsasaka at ang Kadiwa center kung saan mabibili ang bente kada kilo ng bigas.
Makikinabang ang bawat barangay ng ₱200,000, ₱100,000 para sa limang presidential scholars sa bawat barangay.
Sa ginawang mensahe ng Pangulo, iginiit nito na mahalaga ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at national government para magkaroon ng magandang resulta ang mga proyektong ipapatupad.
Malaki naman ang pasalamat ng mga opisyal ng barangay sa tulong pinansiyal ng pamahalaan kung saan maging daan umano ito para maisakatuparan na ang mga proyektong makakabenepisyo ang mga residente ng barangay.