Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon kaugnay ng pagsabog malapit sa Department of Justice (DOJ) sa Maynila at ang narekober na improvised explosive device (IED) sa labas ng Senado sa Pasay.
Ayon kay Nartatez, nagsasagawa na ang PNP ng backtracking, kabilang ang pagsusuri sa CCTV footage at pagkuha ng mga salaysay ng mga saksi.
Habang nakikipag-ugnayan din sa iba pang ahensya upang matukoy ang motibo ng mga responsable at maisampa ang kaukulang kaso.
Samantala, sa pulong balitaan sa Camp Crame sinabi ni PNP Spokesperson Col. Allen Rae Co na nagpapatuloy ang imbestigasyon at na-secure na ang mga lugar kung saan narekober ang mga IED kaya wala nang umiiral na banta.
Dagdag pa ni Co, isa sa mga tinitingnang anggulo ng imbestigasyon ang layunin ng manakot sa araw ng SONA.
Gayunman, sinabi niyang wala pang sapat na batayan upang matukoy kung anong grupo ang nasa likod ng mga insidente o kung magkakaugnay baa ang mga narekober na IED sa Maynila at Pasay.