Isang magnitude 5.6 na lindol ang tumama sa bahagi ng Baganga, Davao Oriental, ngayong alas-7:06 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 33km timog-silangan sa karagatang bahagi ng Baganga.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 20 kilometro.
Dahil sa pagyanig, naitala ang Intensity IV sa Lungsod ng Digos, Davao del Sur.
Samantala, Instrumental Intensity I naman ang naitala sa Davao City; Nabunturan, Davao de Oro; Malungon, Sarangani); Tupi, South Cotabato at San Fernando, Bukidnon.
Sa ngayon, wala namang inaasahang malaking pinsala dahil sa lindol bagamat posible ang mga aftershock sa mga susunod na oras.